Benhur Abalos, suportado ng mga kawani ng MMDA bilang bagong Chairman

WELCOME development para sa mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang appointment ni dating Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. bilang bagong chairman ng ahensiya.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, buong puwersa nilang susuportahan ang bagong liderato ni Abalos.

Lalo na aniya sa pagpapatupad ng mga plano at programa para mapalawig pa ang serbisyo publiko ng MMDA.

“The MMDA welcomes the appointment of former city mayor Benhur Abalos as our new chairman. We vow to support his leadership, plans and programs in the pursuit of efficient and quality public service,” ayon kay Garcia.

Ayon naman kay EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, mainam ang pagkakatalaga kay Abalos sa puwesto.

Umaasa din ito na magpapatuloy ang mga nasimulang programa ng MMDA.

Hangad din ni Nebrija ang tagumpay sa pamumuno ng kanilang bagong chairman.

“We welcome the appointment of Mayor Benhur Abalos. We will give the same support and loyalty we gave to our former chairman Danny Lim. With the remaining years we have in MMDA we hope to continue with the programs already been set for us to accomplish and likewise to accomplish his new plans for Metro Manila,” ani Nebrija.

Si Abalos ay anak ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na naging chairman din ng MMDA mula Januay 2001 hanggang June 2002.

15 taon itong mayor ng Mandaluyong at naging pangulo din ng Local Authorities of the Philippines at League of Cities of the Philippines mula 2007- 2010.

Isang beterano sa larangan ng public service sa LGU at nagawaran ng maraming parangal.

Sa panayam naman ng SMNI News kay Abalos, tututukan raw nito ang urban planning sa Metro Manila.

Pinag-aaralan din nito na mapaganda pa ang EDSA Busway system kabilang ang ang paglalagay ng escalator sa mga overpass.

Inaasahan na ngayong araw ang oath taking ni Abalos sa Malacañang.

SMNI NEWS