LUMAKAS na ang bentahan ng mga bulaklak sa Dangwa, Maynila ilang araw bago ang Valentine’s Day.
Ayon sa flower vendors, tumaas ang demand sa wholesale, ngunit medyo mahina pa ang retail sales.
Kasabay nito, nagtaasan na rin ang presyo ng ilang imported na bulaklak.
Maging ang artificial flowers at iba pang pangregalo para sa Araw ng mga Puso ay nagsisimula na ring maging mabenta.