Bentahan ng gulay sa Metro Manila matumal kahit mababa ang presyo

Bentahan ng gulay sa Metro Manila matumal kahit mababa ang presyo

AMINADO ang Department of Agriculture na unti-unti nang bumababa ang halos lahat ng mga presyo ng gulay pero hindi naman ito nakatulong sa mga nagtitinda ng gulay.

Dagdag pasanin sa ilang tindera ng gulay ang matumal na bentahan ng kanilang produkto kahit mababa ang presyo kada kilo.

Ilang araw na naka-display sa kanilang puwesto ang mga ibinibentang gulay mula Nueva Ecija ni Ambring Padua gaya ng brocolli, cauliflower, talong at sayote.

Halimbawa sa cauliflower, naglalaro na lamang sa P100 kada kilo gayundin sa ibang gulay.

Gayunpaman, may nakikitang problema ang retailers hinggil dito.

“Malaking bagay ang pagbaba ng gulay pero wala namang namimili sa amin, ‘yun dapat natin bigyan ng solusyunan, siyempre kapag matumal ang bentahan ay kakaunti ang kita,” ayon kay Ambring Padua, tindero ng gulay.

Aminado ang DA na unti-unti nang bumababa ang halos lahat ng mga presyo ng gulay pero hindi naman ito nakatulong sa mga nagtitinda ng gulay.

“Talaga sa cycle kasi natin ay galing tayo sa Christmas season ay relatively ay hindi ito ganon kalakas ang bentahan ngayon,” paliwanag ni Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra, Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs, DA.

Pagtitiyak umano ng DA na sapat pa ang suplay ng gulay at wala silang inaasahang pagtaas nito sa mga susunod pang mga araw.

Samantala, sabi ni Guevarra, inaasahan na rin nila ang pagsipa sa presyo ng isda sa mga palengke ngayong Holy Week.

“Mayroon tayong ganon na namo-monitor na pagtaas pero hindi naman ganon ka taas,” ani Guevarra.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble