Bentahan ng P25/kg na bigas sa Kadiwa stores, tatagal pa—DA

Bentahan ng P25/kg na bigas sa Kadiwa stores, tatagal pa—DA

PINAWI ng Kagawaran ng Pagsasaka ang pangamba ng mga konsyumer na hanggang ngayong linggo na lamang ang bentahan ng murang bigas sa Kadiwa stores sa tanggapan ng ahensiya sa Quezon City.

Ito ang binigyang-linaw ni Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista.

Aniya hindi titigil ang pagbebenta ng abot-kayang bigas.

Bagkus, plano rin itong palawakin pa sa mga lokal na pamahalaan.

Ang murang bentahan ng bigas sa Kadiwa store ay hindi subsidya ng DA.

Ani Asec. Evangelista, ito ay dahil sa mataas na yield ng mga magsasaka kung kaya’t mababa ang cost of production dahilan na naibebenta sa murang halaga.

Suplay ng bigas sa bansa, sasapat pa—DA

Dagdag pa ng opisyal, walang dapat ipangamba ang mga Pilipino dahil sasapat pa ang suplay ng bigas ngayong taon.

At asahan na sa huling kwarter ng taong 2023 ay bababa pa ang presyo ng bigas sa mga merkado.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture, makabibili pa ng P35-P42 na regular milled.

Habang nasa P39-P46 naman ang well milled at P48-P60 naman sa premium at special rice.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter