Bentahan ng police uniform sa online, hinigpitan

Bentahan ng police uniform sa online, hinigpitan

HINIGPITAN ang bentahan ng police uniform sa online.

Lumagda sa isang memorandum of understanding (MOU) ang Philippine National Police (PNP) at e-commerce company na Lazada.

Ito ay para higpitan ang bentahan ng uniporme ng mga pulis sa online.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Redrico Maranan, nakatanggap sila ng ulat na mabilis na nabibili ang nasabing uniporme kahit ng hindi mga pulis.

Lubha aniya itong mapanganib lalo na kung mapupunta sa mga kriminal.

Nabatid na kinakailangang nakarehistro ang nagbebenta ng uniporme ng pulisya at sinumang lalabag ay mahaharap sa paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code o Illegal use of uniform or insignia.

Maaari ding mapatawan ng 6 hanggang 12 taong pagkakakulong ang lalabag.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter