Bentahan ng sibuyas sa ADC Kadiwa Store, posibleng tumaas –DA

Bentahan ng sibuyas sa ADC Kadiwa Store, posibleng tumaas –DA

INIHAYAG ni Department of Agriculture (DA) spokesperson Asec. Kristine Evangelista na mayroong posibilidad na tumaas ang bentahan ng pula at puting sibuyas sa ADC Kadiwa Store sa tanggapan ng DA.

Ayon kay Evangelista, hindi na subsidized ang ibinibentang sibuyas sa naturang Kadiwa kung kayat kontrolado na ng mga farmer cooperatives ang presyo.

Ani Kristine, hindi pa naman ubos ang P140 milyong pondo na inilaan ng DA para bilhin sa mga magsasaka ang kanilang aning sibuyas.

Nakikipag-usap pa ang DA sa Food Terminal Incorporated (FTI) para naman sa second cycle sa pagbili at paghanap ng mga kooperatiba na nagbebenta ng sibuyas.

Sa kasalukuyan, makabibili pa ang mga mamimili ng lokal na pula at puting sibuyas sa halagang P170 kada kilo habang P150 kada kilo naman sa puting sibuyas.

Follow SMNI NEWS in Twitter