MAGSISIMULA na ang bentahan ng ticket para sa isang local concert na pangungunahan ng mga K-pop super stars na sila Baekhyun at Jeon Somi sa April 8 ayon mismo sa producer ng event.
Si Baekhyun na miyembro ng K-pop supergroup na EXO at si Somi ay nakatakdang mag-concert sa Araneta Coliseum sa June 11 para sa “Overpass:L-Pop Music Concert” na inorganisa ng Cornerstone Entertainment at OctoArts Entertainment.
Si Baekhyun ay nag-debut noong 2023 bilang miyembro ng EX na kilala sa mga hit songs nitong “Growl” “Koko Bop” at “Love Shot”.
Samantalang si Somi ay solo artist ng subsidiary ng YG Entertainment na The Black Label ay nag-debut noog 2019 na siya ring nasa likod ng mga hit song na “Birthday” at “XOXO.”