Bentahe ng farm clustering, ipinaliwanag—MSMEDC

Bentahe ng farm clustering, ipinaliwanag—MSMEDC

MALAKI ang bentahe ng farm clustering at ito rin ang estratehiya na ginagamit sa China, Vietnam, Laos, at Cambodia.

Ibinahagi ni Joey Concepcion ng Micro, Small, and Medium Enterprise Development Council (MSMEDC) sa panayam ng SMNI News  na tumataas ang agri production ng mga nabanggit ng bansa dahil dito.

Sa farm clustering, nilalagay sa iilang grupo ang mga magsasaka para mas mabilis mabigyan ng assistance ng pamahalaan.

Sakali mang uutang, mas magiging mabilis din ang proseso.

Maliban dito, magkakaroon ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya ang mga magsasaka.

Titiyakin naman na sa pakikipag-partner ng mga grupo ng magsasaka sa investors sa pamamagitan ng leasehold contract agreement, hindi magagamit ang kanilang mga lupa sa non-agricultural purposes.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng geomapping ng mga lupang sakahan para matukoy ang partikular na agricultural products na naangkop dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter