MAG-UUMPISA na ang best-of-seven finals ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup ngayong araw, Marso 14, 2025.
Ang dalawang koponang maglalaban-laban ay ang crowd favorites na TNT Tropang Giga at Brgy. Ginebra San Miguel.
Mag-uumpisa ang game, 7:30 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.
Sa best-of-seven finals, ang koponang unang manalo ng apat na laro ang ide-deklarang kampeon ngayong season.