Best practices ng ibang bansa sa ROTC, posibleng ikonsidera ng Pilipinas

Best practices ng ibang bansa sa ROTC, posibleng ikonsidera ng Pilipinas

KINUMPIRMA ni AFP chief of staff LtGen. Bartolome Vicente Bacarro ang posibleng pagkonsidera ng Pilipinas sa mga best practices ng ibang bansa na may kinalaman sa implementasyon ng Reserve Officers Training Course (ROTC).

Kasunod ito sa naganap na pag-uusap ng security sector at ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte.

Kinumpirma ng AFP ang kanilang papel na gagampanan sa muling pagsasabuhay ng ROTC sa bansa.

Ayon kay Bacarro, pag-aaralan nila ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga polisiya at programa habang pinag-aaralan ang pagbabalik ng mandatory ROTC sa mga paaralan sa bansa.

Tiniyak naman ng AFP na magiging maingat din sila sa mga isusumite nilang rekomendasyon sa tanggapan ni VP Duterte na tumatayong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ito’y upang walang maging problema sa pagsasakatuparan nito lalo pa’t marami pa rin sa mga Pilipino partikular na sa mga progresibong grupo ang may tutol dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter