‘Best Theme Song’, nakuha ng Pinoy Adaptation ng ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ sa 29th Asian Awards

‘Best Theme Song’, nakuha ng Pinoy Adaptation ng ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ sa 29th Asian Awards

NAKUHA ng Pinoy Adaptation ng 2018 South Korean Film na ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ ang ‘Best Theme Song’ award sa ginanap na Asian Television Awards 2024 kamakailan.

Sa Instagram post ng mismong Asian TV Awards noong December 2, binati nila ang mga nasa likod ng ‘To Be with You’ track ng Adaptation.

Ang naturang kanta ay performed by Korean artist na si Kim Won Shik at composed by Hong Jung si, lee jae kyu, at Lim Yu Jung.

Ang mismong awarding ceremony ay isinagawa noong November 29 at 30 sa Jakarta, Indonesia.

Samantala, sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang bumida sa naturang Pinoy Adaptation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble