Beteranong aktor na si Carlos Salazar, pumanaw na

Beteranong aktor na si Carlos Salazar, pumanaw na

PUMANAW na ang beteranong aktor na si Carlos Salazar sa edad na siyamnapung taong gulang.

Kinumpirma ng anak nito na si Anton Ram Fernandez Roldan na namatay ang kanyang ama noong Abril 7.

Saysay ng anak, nagdulot ng malaking depresyon sa kanyang ama ang nararanasang pandemya dahilan para manghina na ito.

Nagkasakit na rin aniya ito ng COVID noong nakaraang taon subalit naka-recover naman.

Nagdadalamhati na rin ang aktor simula nang namatay ang asawa nito noong 2014 dahil sa sakit na leukemia at aneurysm.

Si Carlos Salazar ay beteranong aktor noong 1950s at 1960s.

Huling nakita at bumida ito sa telebisyon noong 2014 sa teleseryeng “Be Careful With My Heart.”

Naging movie producer at director na rin nito at siyang nagma-manage sa mga film projects ng kanyang brother-in-law na si Eddie Fernandez.

BASAHIN: Aktor na si Kit Thompson, inaresto ng mga pulis sa Tagaytay

Follow SMNI NEWS in Twitter