BF.7 Omicron subvariant, naitala na rin sa bansa –DOH

BF.7 Omicron subvariant, naitala na rin sa bansa –DOH

KINUMPIRMA ngayong Biyernes, Disyembre 23 ng Department of Health (DOH) na nakapasok na rin sa Pilipinas ang  BF.7 Omicron subvariant na dahilan ng pagtaas ng kaso sa China.

Ayon sa DOH, 4 na kaso nito ang naitala ngunit itinuturing pa rin itong Omicron subvariant BA.5.

Nagmula naman ang unang kaso ng BF.7 sa Metro Manila.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng kagawaran sa publiko ang patuloy na pagsunod sa umiiral na health protocols laban sa COVID-19, partikular na ang pagsusuot ng face mask.

Follow SMNI NEWS in Twitter