BFAR-Bicol inflation rate tumaas; rehabilitasyon ng mga typhoon affected areas, tinututukan

BFAR-Bicol inflation rate tumaas; rehabilitasyon ng mga typhoon affected areas, tinututukan

DOBLE trabaho ngayon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) upang masagot ang tumataas na inflation rate sa buong Bicol Region.

Ang hakbang na ito ng ahensiya ay upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa buong rehiyon.

Base sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 6.5% ang nairehistro ng Bicol Region at ito ang inflate rate nitong nakaraang buwan ng Hulyo na siyang pangalawa sa pinakamataas sa lahat ng rehiyon sa bansa kasunod sa lalawigan ng Cagayan Valley.

Pagdating naman sa food inflation, ang rehiyon ay nakapagtala ng 0.5 percentage point increase mula sa 6.1% noong buwan ng Hunyo na naging 6.6% nitong nakaraang buwan ng Hulyo.

Ayon sa pag-aaral lumalabas na kasali ang pagkain sa nagpapataas ng food inflation sa Bicol mula buwan ng Hulyo partikular na sa presyo ng karne, prutas at mga isda na nasa 14.7% inflation rate para sa buwan ng Hulyo.

Pahayag ni BFAR-Bicol Regional Director Nelson Bien, konektado rin ang mataas na fish inflation sa mataas na volume ng isda na ini-import palabas ng rehiyon dahilan upang magkulang ang suplay nito sa mga lokal na merkado.

Nakaapekto rin ang pagtaas ng presyo ng mga karne upang tumaas din ang demand ng mga isda.

Bilang tugon ay mas lalo pang lumakas ang hakbang na ito ng BFAR Bicol sa rehabilitation efforts sa mga lugar ng rehiyon na tinaman ng bagyo, sa pamamaraan ng hatchery at nursery production upang matiyak ang suplay ng mga fingerlings at brood stock gayundin sa mga dagdag na kagamitan sa pangingisda.

Samantala, mahigpit naman ang isinasagawang monitoring sa mga fishing grounds at agriculture areas upang mapigilan ang fish kills sa rehiyon na kinokonsiderang third top producer ng mga isda sa buong bansa.

(BASAHIN: Huwag makisawsaw o magpaapekto sa mga batikos – Dep-Ed Bicol sa mga guro)

SMNI NEWS