BFAR Dir. Demosthenes Escoto, sinibak kasunod ng desisyon ng Ombudsman

BFAR Dir. Demosthenes Escoto, sinibak kasunod ng desisyon ng Ombudsman

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na sinibak na sa puwesto si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Demosthenes Escoto.

Sa pahayag ng DA, ito ay dahil matibay umano ang ebidensiya na guilty ang opisyal sa katiwalian dahil sa pagbili ng ahensiya ng communications equipment noong 2018.

“The Ombudsman’s order, forwarded to the office of the DA Chief for implementation, found Escoto guilty of grave misconduct in a graft case arising from BFAR procurement of communications equipment in 2018,” ayon kay Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., Department of Agriculture.

Dahil dito, nagtalaga na ng bagong BFAR Chief si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos matanggap ang kautusan mula sa Office of the Ombudsman.

Itinalaga ng kalihim si Isidro Velayo Jr. bilang Officer-in-Charge ng BFAR kapalit ni Escoto.

Si Velayo ay Director IV at Assistant Director for technical services, at isang career professional at respetadong opisyal ng BFAR.

Dati siyang national coordinator ng seaweed program ng BFAR at dating regional director sa Zamboanga Peninsula.

Tiniyak naman ni Laurel na ang pagkasibak sa puwesto ni Escoto ay hindi makahahadlang para maipagpatuloy pa ng BFAR ang iba’t ibang proyekto.

Ito rin ang naging marching order ni Laurel sa tinalagang OIC ng ahensiya.

“My marching order to him is to ensure that operations of the agency will not be affected by this legal development,” ani Laurel.

Samantala, maaari pang i-apela ni Escoto sa Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Ombudsman.

Sa ngayon, ay wala pang inilalabas na pahayag si Escoto hinggil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble