BFAR naglabas ng shellfish ban sa apat na lugar

BFAR naglabas ng shellfish ban sa apat na lugar

NAGLABAS ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng shellfish ban sa apat na lugar matapos magpositibo ang mga ito sa red tide toxin.
Kasama rito ang Dumanquillas Bay (Zamboanga del Sur), Matarinao Bay (Eastern Samar), Leyte, at Tungawan (Zamboanga Sibugay).

Lahat ng uri ng shellfish mula sa mga lugar na ito ay hindi ligtas kainin; tanging mga isda, pusit, hipon, at alimango ang maaaring kainin basta’t hugasan ng mabuti.

Sa kabilang banda, cleared na sa red tide toxin ang Daram Island, Samar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble