BFAR namahagi ng fuel subsidy para sa maliliit na mangingisda sa Romblon

BFAR namahagi ng fuel subsidy para sa maliliit na mangingisda sa Romblon

NAKATANGGAP ng fuel subsidy ang halos 100 na maliliit na mangingisda mula sa Odiongan at Looc, Romblon.

Ang ayuda na ibinigay noong Mayo 27 at 28, 2025 ay nanggaling sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na suportahan ang sektor ng pangisdaan.

Lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble