NAKAPAGTALA na ng mahigit 900 fire incidents mula Jan-March 2023 ang Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP-NCR).
Pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos ang buwis-buhay na trabaho ng bawat bombero at ng buong Fire Department sa tuwing rumeresponde ito sa apoy sa culmination activity ng Fire Prevention Month araw ng Biyernes, March 31.
Ayon kay Abalos, tagumpay ang implementasyon ng Fire Prevention Month sa buong Marso.
“Hindi matatawaran ng ibang tao,” ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos.
Kasunod nito, iginiit ni Abalos na ang paglaban sa sunog ay hindi lamang dapat iasa sa Bureau of Fire.
“We acknowledge that communities,” ani DILG Sec. Abalos.
Sa culmination activity ay idinaan sa parada ng mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, local government units (LGUs), security groups at mga non-governmental organization (NGO) ang pagpapakita ng kanilang suporta.
Ito’y may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa”.
Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi pa sapat ang mga fire trucks partikular sa Maynila pero ito aniya ay napupunan dahil sa mga fire volunteer.
Saad ni Abalos, hindi dapat magtapos sa Fire Prevention Month ang ating pagtulungan para sa pagsugpo ng apoy at pagbibigay ng fire awareness sa publiko.
Mula buwan ng January hanggang March 2023, nakapagtala na ng mahigit 900 na fire incidents ang BFP-NCR.
Naitala sa buwan ng March ang pinakamalaking bilang ng fire incidents na umabot sa mahigit 400.
Ito’y mas mataas kung ikukumpara sa 324 na naitala noong buwan ng Marso ng nakaraang taong 2022.
Sa buwan ito, may pinakamalaking bilang nang na-injure kung saan 72 ang naitala ng BFP-NCR.
Pagdating sa halaga ng damage dahil sa sunog, sa buwan ng Enero nasa halos 60,000 ang estimated damage, halos 900k naman noong buwan ng Pebrero at 152,000 naman sa buong March.