BH Global Group mula South Korea, nasa Pilipinas na

BH Global Group mula South Korea, nasa Pilipinas na

OPISYAL nang binuksan ng South Korean firm na BH Global Group ang kanilang opisina sa Stiles Enterprise Plaza sa Makati City katuwang ang MKT Law Firm.

Dinaluhan ito ng mga Korean executive ng nasabing firm.

Iba’t ibang de-kalidad na serbisyo at produkto ang handog ng kompanya para sa mga Pilipino.

Isa na nga rito ang makabagong digital transaction sa pamamagitan ng BH Pay na isang sistema ng pagbabayad na nagbibigay-daan sa mga gumagamit ng cryptocurrency.

Nagpasampol pa nga ang BH Group kung papaano gumagana ang BH Pay.

“Do you guys have any idea what happen? I just paid two buckets of beer using my cryptos.”

“Seamless, fast, works all the time,” saad ni David Lim, Chief Marketing Officer, BH Philippines.

Magagamit ang BH Pay sa iba’t ibang bansa gaya ng China, Australia, at Singapore.

Ipinagmamalaki rin ng BH Group ang iba pa nilang produkto at serbisyo gaya ng BH Biotech na nakatuon sa stem cell therapy, BH Cosmetics, at Zetarium na isang food at beverage franchise.

“The message we want to give to the Filipino people is our BH Group our mission is to bring happiness to our members,” ayon kay Eunjoung Seung, CEO, BH Group.

“I genuinely congratulate BH Pay Philippines for your grand opening.”

I wish you great success and prosperity in the Philippines,” saad ni Songjae An, CEO, BH Philippines.

MKT Law Firm, umaasang mas maraming Pilipino ang matutulungan sa pagbubukas ng kanilang bagong opisina

Samantala, sa pagbubukas din ng bagong opisina ng MKT Law Firm, umaasa si Atty. Mark Tolentino na mas marami pang Pilipino ang kaniyang matutulungan bilang abogado.

“Sana makatulong pa tayo in other way not just a lawyer but as a Filipino. Makatulong pa tayo sa ating mga kababayan lalo na ‘yung deprived ng justice na matulungan natin through our profession,” wika ni Atty. Mark Tolentino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble