BI at PIA, hindi magpapalit ng logo

BI at PIA, hindi magpapalit ng logo

DALAWANG ahensiya ng gobyerno ang hindi magpapalit ng kanilang logo.

Sa gitna na rin ito ng nagpapatuloy na rebranding trend sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Philippine Information Agency (PIA) Director-General Jose Torres, Jr. na wala silang balak na palitan ang logo ng kanilang tanggapan.

Ayon naman kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, wala rin silang balak na magpalit ng logo.

Katunayan, ani Sandoval na may minor tweaks sa kanilang official seal nitong nakaraang taon at ‘yun na aniya muna ang huli.

Matatandaan na unang nagpalit ng Tourism logo at slogan ang Department of Tourism mula sa ‘It’s More Fun in the Philippines’ tungong ‘Love the Philippines.’

Nitong huli naman ang rebranding ng PAGCOR logo kung saan dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang launching.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter