BI, binalaan ang mga Pilipino na huwag bumili ng permits online

BI, binalaan ang mga Pilipino na huwag bumili ng permits online

BINABALAAN ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na huwag bumili ng Overseas Employment Certificates (OEC) o kahit anong permit sa social media.

Inilabas ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang babala matapos hiwalay na naaresto ang dalawang Pilipino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport na may pekeng OEC.

Ayon sa isang nadakip, nabili niya ang pekeng OEC sa whatsapp sa halagang P7,200 habang ang isa naman ay sa Facebook sa halagang P500.

Siniguro naman ngayon ng BI na susuriin nito ang lahat ng mga dokumentong dumadaan sa kanila kung ito ba’y lehitimo alinsunod na rin sa kasunduan nito sa Department of Migrant Workers (DMW).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble