IKINABAHALA pa rin ng Bureau of Immigration (BI) ang nagpapatuloy na ilegal na paggamit ng mga dayuhan ng Filipino identities.
Ayon sa ahensiya, maaaring ginagamit nila ito upang makapag-espiya o gumawa ng mga krimen sa bansa.
Kasunod ito sa naarestong apat na banyagang nagpanggap bilang Pilipino sa Zamboanga del Sur noong Hunyo 16, 2025.
Isa sa kanila ang natuklasang may negosyo kahit walang tamang dokumento.