BI, nakapagpa-deport ng 401 illegal aliens sa loob lang ng isa at kalahating buwan

BI, nakapagpa-deport ng 401 illegal aliens sa loob lang ng isa at kalahating buwan

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) sa loob ng halos isa at kalahating buwan lamang o mula Marso hanggang kalagitnaan ng Abril ay umabot na sa 401 na dayuhan ang na-deport o pinabalik na sa kanilang bansa.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na pinakamarami ang Vietnamese na 254; sumunod ang Chinese 76;  pangatlo ang  Indonesians na 19; 17 ang Burmese; 8 ang Moroccans at apat ang Ghanians.

Ipinaliwanag ni Tansingco na pinauwi ang mga naturang dayuhan dahil kuwestiyonable ang mga dokumento at dahilan ng kanilang pagtungo dito sa Pilipinas.

Nabatid aniya na batay sa resulta ng intelligence information ng mga awtoridad na nagtra-trabaho sa mga llegal online gaming hubs dito sa bansa ang mga dayuhan kahit na walang tamang dokumento.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble