BICAM para sa 2023 budget, umpisa na

BICAM para sa 2023 budget, umpisa na

UMPISA na ngayong araw ng Bicameral Conference Committee (BICAM) meeting ng Senado at Kamara para isapinal ang nilalaman ng P5.268-Trillion 2023 proposed national budget.

Sa Manila Polo Club ginanap ang meeting ng dalawang kapulungan na inaasahang tatapusin rin ngayong araw.

Sa BICAM paplantsahin ng dalawang kapulungan ang disagreeing provisions ng House at Senate version ng pambansang pondo.

Sina House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co at Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara ang mangunguna sa pagpupulong para isapinal kung paano gagastusin ang pinakaunang national budget ng Marcos administration.

Follow SMNI NEWS in Twitter