MAAARI pa mag-convene ang Bicameral Conference Committee (Bicam) kahit naka-adjourn na ang Kongreso at tapos na ang legislative calendar.
Ito ang sagot ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel kung papaano pa marere-medyuhan ang 2025 Budget Bill na umani ng batikos mula sa kanyang mga kapwa senador.
Batay sa legislative calendar ngayong linggo o hanggang Biyernes, December 20 na lamang ang sesyon ng Senado at Kamara at magbabalik na lamang sila sa Enero a-dose ng susunod na taon.
Matatandaan na marami ang nanawagang ibalik sa Bicam ang 2025 National Budget Bill dahil sa pagtanggal sa 12 billion pesos budget ng DepEd para sa computerization program habang lumobo sa 1.113 trillion pesos ang budget ng DPWH.
Ipinunto ni Pimentel, ang natatapos lang naman ngayong linggo ay legislative calendar at pwede naman silang mag-overtime at hindi na mag-holiday.
Giit niya na hindi naman kailangang lagdaan ni Bongbog Marcos ang 2025 National Budget bago December 31 at pwede naman kahit sa Enero na kung ito ang kailangan para magkaroon ng tamang budget para sa susunod na taon.