Bicam report sa teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan, niratipikahan na ng Senado

Bicam report sa teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan, niratipikahan na ng Senado

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang panukalang batas na naglalayong madagdagan ang teaching allowance ng public school teachers sa buong bansa.

Sa Bicameral Conference Committee report ay isinaalang-alang nito ang magkaibang bersyon ng Senado at Kamara na Senate Bill no. 1964 at House Bill no. 9682 o “Kabalikat sa pagtuturo” Act.

Sa ilalim ng nasabing panukala, na isinulong ni Senador Ramon Bong Revilla Jr., Chairman ng Committee on Civil Service, Government reorganization and Professional regulation, mula P5,000 ay magiging P10,000 ang matatanggap na chalk allowance ng mga guro.

Naging saksi ang mga kinatawan ng Department of Education (DepEd), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Teachers Dignity Coalition (TDC), at ang Philippine Public School Teachers Association (PPSTA), nang ratipikahan ang bicam report.

Niratipikahan na ng Senado ang panukalang batas na naglalayong madagdagan ang teaching allowance ng public school teachers sa buong bansa.

Lubos ang pasasalamat ng mga ito kay Revilla na ngayon ay maituturing nang kampyon ng mga guro.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter