NANAWAGAN si National Unity Party (NUP) President Lray Villafuerte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na buhayin ang Bicol River Basin Development Program Office (BRBDPO).
Ang panawagan ay ginawa matapos ang matinding dulot ng Bagyong Paeng sa Bicol Region.
Ani Villafuerte na kinatawan din ng Camarines Norte sa Kamara, ang BRBDPO ang nag-implement ng kauna-unahang climate-proof watershed sa rehiyon kalahating siglo na ang nakararaan na may lawak na 317,000-hectares.
Saad ni Villafuerte, mainam na buhayin ni Pangulong Marcos ang tanggapan para gawing climate-proof ang Bicol River Basin Development para maiwasan ang mga pagbaha sa tuwing may malalakas na bagyo sa bansa.
Nasa 963 barangay, 50 munisipalidad at siyudad sa CamSur, Albay at Camarines Norte ang sakop ng Bicol River Basin at may 8 sub-basins o watersheds na dapat tutukan.
Mungkahi naman ni Villafuerte na magpatupad ng dredging at desilting sa Bicol River para mapataas pa ang kapasidad nito tuwing may malalakas na ulan.
“We are asking the Palace to consider reviving the BRBDPO to oversee the crafting and implementation of climate and disaster resiliency programs to mitigate the impact of future climate-induced natural calamities on an estimated two million people living around the BRB,” saad ni Villafuerte.