Bicolano at Quezoñians, dismayado sa Marcos Administration

Bicolano at Quezoñians, dismayado sa Marcos Administration

MATINDI ang hinanakit ng mga Bicolano at taga-Probinsya ng Quezon matapos ang nangyaring pagpapakulong kay Pastor Apollo C. Quiboloy at ilegal na pagdakip kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa isinagawang Townhall meeting ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator movement sa magkasunod na araw ng Marso 19 hanggang 20, umabot sa higit isang libo ang dumalo sa mga pagpupulong, 300 sa mga residente sa Brgy. Lita, Tayabas City, 200 sa Brgy. Talao-Talao, Lucena City sa Quezon Province, 250 sa Brgy. Bel Cruz, Lupi at higit 300 naman sa Brgy San Miguel, Iriga City sa probinsya ng Camarines Sur.

Isa si tatay Rico sa halos maluha habang ikinikwento ang kaniyang nararamdaman sa nangyari kay Pastor Quiboloy at sa kaniyang kongregasyon sa kasagsagan ng ilegal na pagkubkob ng kapulisan sa KOJC noong nakaraang taon.

“Sa totoo lang ‘yung KOJC siege’yung ginawa nila talagang masakit ‘yung pag aresto nila na wala silang warrant of arrest,” pahayag ni Tatay Rico.

“Nakita ko dun sa tv nakadapa na sinipa pa ng pulis wala naman ewan ko kung anong nasa puso nila bakit ginawa nila yun labag man yun sa batas wala naman sa batas ‘yung pag sesearch mo na iba, imbes na si Pastor Quiboloy ilagay dun iba, Bulacan ata ‘yun dapat ang search warrant 1 day or 2 days lang di na ipaabot ng 16 days parang kinubkob na nila ‘yung Kingdom of Jesus Christ,” ayon pa kay Tatay Rico.

Dagdag pa ni Tatay Rico, walang ipinagkaiba ang ginawang pang-aabuso ng kapulisan kay Pastor Quiboloy sa ginawang ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Ganun din sa search warrant, ganun din ginawa nila makita mo sa video saan na yun maskin ako kaladkarin ko yan tama ba iyon walang respeto,  Ex-President ‘yan sa Pilipinas eh,” aniya pa.

Si nanay Rufa naman ay di makapag timpi sa kaniyang galit dahil sa sinapit ng kaniyang pinaka-hinahangaang Pangulo ng bansa.

“Walang warrant of arrets ‘yung si Nicolas Torre, Lagot yan makabalik ‘yan si Duterte dito, ako kunin ko yan ipapadampot ko ‘yan kasi hindi siya, pulis siya general siya hindi niya alam na may warrant of arrest ba na nasa cellphone lang dapat sa papel ipabasa nila at agad agad na pinasakay sa eroplano.  Kawawa ang tao, makikipag away kame sa Malacañang, sugurin namin yan si Marcos, kala mo ba kame lang, mga pulis nag resign na ‘yung iba, nalulungkot ako sa ginagawa ni Marcos kay Duterte kasi maganda ang patakaran ni Duterte, ngayon siya nanaman ang nanalo dami nanaman talamak (Droga) talamak ang shabu totoo yan dami nanaman namatay dami nanaman ni rape mga bata nirape may kidnapping basta hindi maganda ang kaniyang patakaran pagka president,” mahabang pahayag ni Nanay Rufa, Pangulo ng Bisaya sa Talao-Talao, Mangingisda.

Samantala laking pasasalamat naman ni nanay Carmen dahil malaking tulong ang isinasagawang townhall meeting ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement sa mga barangay para mabigyang kaalaman ang mga residente lalo na sa mga liblib lugar patungkol sa mga kandidato at kasalukuyang estado ng bansa.

“Ako po’y nag papasalamat sa inyong lahat dahil po sa tagal-tagal ng panahon na dumadaan ang election wala po dito nakakarating na pulitika nasa taas lang para po ma edukado ang sa Bicol ‘yung mga tao po, kame po yung sa mga social media na nababasa namin kung baga po kame kulang kaalaman siyempre naniniwala po kame sa mga ganun pero ganito nakarating po kayo dito sa amin na ipaliwanag niyo sa lahat dito sa aming barangay na ganito ang sistema e ‘di kame po nag kakaroon po ng kaalaman yun po pinapasalamat ko po,” ayon naman kay Nanay Carmen, Residente ng Brgy. Bel Cruz, Lupi, Cam Sur.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter