NAIBENTA sa isang auction ang ‘faded’ at ‘cracked’ bicorne hat ng dating French emperor na si Napoleon Bonaparte.
Tumataginting na $2.1-M ang halaga nito.
Inisyal na nagkakahalaga ng $650-K hanggang $870-K ang nabanggit na bicorne hat.
Una itong nakuha o na-recover ni Col. Pierre Baillon, isang quartermaster sa ilalim ni Napoleon ayon sa auctioneers bago ito nakuha ng isang entrepreneur na nangongolekta ng Napoleonic memorabilia.
Si Napoleon Bonaparte ay nagsilbing French emperor noong 19th Century.