Bidding para sa transmission system sa 2025 elections, sa susunod na buwan na—COMELEC

Bidding para sa transmission system sa 2025 elections, sa susunod na buwan na—COMELEC

POSIBLENG sa susunod na buwan sisimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang public bidding para sa gagamiting transmission system sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia, kinukumpleto na muna nila ang public bidding para sa hardware at software na gagamitin sa nabanggit na eleksiyon.

Sa gagamiting poll automation system, plano ng COMELEC na makabili na sa huling bahagi ng Marso 2024.

Ang nag-iisang bidder na Miru ng South Korea para sa poll automation system ay nasa ikalawang phase na ng bidding process sa kasalukuyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble