Big-time oil price hike, ipatutupad bukas

Big-time oil price hike, ipatutupad bukas

MAGPAPATUPAD ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, nasa P2.80 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina simula alas sais ng umaga bukas.

Nasa P2.25 naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel habang P2.40 sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring price hike sa gasolina at diesel ang Cleanfuel na magiging epektibo, alas 4:01 ng hapon bukas.

Inaasahan namang mag-aanunsyo rin ng kanilang price adjustment ang ilan pang kumpanya ng langis ngayong araw.

 

Follow SMNI News on Twitter