Big-time oil price hike, muling ipatutupad bukas

Big-time oil price hike, muling ipatutupad bukas

BAD news sa mga motorista, patuloy pa rin ang big-time oil price hike ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sa abiso ng Pilipinas Shell at Seaoil, muli silang magpatutupad ng otsenta sentimos na taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina bukas.

Nasa P3.10 naman ang dagdag-singil sa kada litro ng kanilang diesel habang P1.70 ang dagdag sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring price hike sa gasolina at diesel ang Cleanfuel.

Pawang epektibo ang oil price adjustment ng alas-6 ng umaga bukas maliban sa Cleanfuel na alas 8:01 ng umaga.

Follow SMNI NEWS in Twitter