Big-time oil price hike, nakaamba ngayong linggo

Big-time oil price hike, nakaamba ngayong linggo

MALAKIHANG taas-presyo sa produktong petrolyo ang nakaambang ipatupad ng mga kompanya ng langis ngayong linggo.

Sa pagtataya, posibleng tataas ng mula P2.50 hanggang P2.80 ang kada litro ng gasolina.

Habang piso hanggang P1.30 naman sa kada litro ng diesel.

Maaaring tataas din ang presyo ng kerosene ng mula P0.40 hanggang P0.60 ang kerosene.

Iaanunsiyo naman ng oil companies ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw bago ito ipatupad sa Enero 30, bukas, araw ng Martes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble