Big-time oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

Big-time oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

MULI na namang sasalubungin ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga motorista sa darating na linggo.

Batay sa tantiya ng Department of Energy (DOE), posibleng tumaas ng hanggang halos limang piso kada litro ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Estimated Oil Price Adjustment

(Starting Next Week)

Gasoline – ₱2.50-3.00/L (ARROW UP – RED)

Diesel – ₱4.30-4.80/L (ARROW UP – RED)

Kerosene – ₱4.25-4.40/L (ARROW UP – RED)

Maglalaro naman sa pagitan ng dalawang piso at limampung sentimo hanggang tatlong piso kada litro ang gasolina.

Habang apat na piso at dalawampu’t limang sentimo hanggang apat na piso at apatnapung sentimo kada litro naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Bunsod nito ang patuloy na sigalot sa pagitan ng Israel at Iran na maaaring makaapekto sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Dahil dito, pinayuhan ng DOE ang mga motorista na planuhin nang maigi ang kanilang mga biyahe para makatipid sa gasolina.

Inaasahan na iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na galaw ng presyo tuwing Lunes, na agad namang ipatutupad sa susunod na araw, Martes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble