MAGANDANG balita sa ating mga motorista, matapos ang kakarampot na bawas-presyo noong nakaraang linggo, malakihang tapyas-presyo naman ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis simula ngayong araw ng Martes, Agosto 13.
Sa anunsiyo ng Shell Pilipinas, Seaoil, at Caltex, P2.45 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
P1.90 naman sa diesel at P2.40 sa kada litro ng kerosene.
May kaparehong bawas-presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz at iba pang kompanya ng langis.
Epektibo ang naturang oil price rollback ng alas-sais ngayong umaga maliban sa Cleanfuel na alas-dose uno kaninang hatinggabi.