GOOD news sa mga motorista, may big-time price rollback sa ilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula bukas, Setyembre 20, 2022.
Sa abiso ng Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, nasa P4.15 ang bawas-singil sa kada litro ng kanilang diesel.
Nasa P4.45 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.
May kapareho ring price adjustment sa diesel ang Cleanfuel at Petro Gazz.
Pawang epektibo ang big-time oil price rollback ng alas 6 ng umaga bukas maliban sa Cleanfuel at Caltex na alas 12:01 ng madaling araw magsisimula.