Bigas imbes cash para sa 4Ps, ikinokonsidera

Bigas imbes cash para sa 4Ps, ikinokonsidera

IKINOKONSIDERA ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay ng bigas imbes na cash sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ibinunyag ito ni Department of Agriculture (DA) Usec. Roger Navarro sa isang press conference.

Magmumula naman ang mga bigas sa National Food Authority (NFA).

Sinabi ni Navarro na nabuo ang mungkahi dahil mula sa cash na ibinibigay nila ay kailangan pang bumili ng mga ito ng bigas sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Nilinaw ni Navarro na titingnan pa nila kung paano ito maipatutupad kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang 4Ps ay isang Conditional Cash Transfer program ng pamahalaan para sa mga kwalipikadong pamilya at saklaw nito ang pagpapaaral ng mga anak ng benepisyaryo at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble