MAS mainam na magbigay ng bigas kaysa sa P200 na karagdagang buwanang ayuda para sa mga kapus-palad na pamilya.
Ito ang inihayag ni presidential candidate at Senator Manny Pacquiao sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ani Pacquiao, dapat ding bumili ng bigas ang gobyerno sa mga local farmers sa tamang presyo dahil apektado ang mga ito sa pagdating ng mga mas murang imported na bigas sa bansa.
Dagdag pa ni Pacquiao, napakaliit ng dalawang daang piso at mas magandang ibigay ang isang sakong bigas.
Magugunitang, maglalaan ang gobyerno ng P33.1 billion para sa nasabing monthly cash assistance sa mga mahihirap na pamilya sa buong taong 2022.