Bike Fest 2023, idadaos sa Pasay City

Bike Fest 2023, idadaos sa Pasay City

IDADAOS sa Pasay City sa pangunguna ng Pasay City government at SM Malls ang isang bike fest na gaganapin sa Hunyo 3, 2023.

Iilan sa SM Malls ang makikiisa sa nasabing bike fest na itataon sa pagdiriwang ng “World Bicycle Day”.

Maliban sa Pasay, ang mga malls na makikiisa sa pagdiriwang ay ang SM by the Bay, SM City Fairview, SM City Marikina, SM City Clark, SM City Sta. Rosa, SM Seaside Cebu, at SM Lanang Premier.

Para sa mga interesado, maaaring makapagparehisto sa pamamagitan ng pagbisita sa Facebook page ng SM Cares para sa karagdagang detalye.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter