Bike ride para isulong ang climate change awareness, idinaos sa Pasig City at San Juan

Bike ride para isulong ang climate change awareness, idinaos sa Pasig City at San Juan

IDINAOS ang bike ride sa dalawa sa pinaka-bike-friendly na lungsod ng Metro Manila, upang palakasin ang kamalayan sa pagbabago ng klima at paglipat sa 100 porsiyentong renewable energy sa pamamagitan ng pagbibisikleta.

Ayon kay Pasig City Councilor Quin “Kin” Cruz na ang bike ride, na tinawag na “Pedal for People and Planet,” kasabay ng 24 pang cycling event sa walong bansa sa Asya ay pawang nagsusulong ng pagbibisikleta bilang isang mas environment-friendly na paraan ng transportasyon.

Idinagdag niya na humigit-kumulang 1,000 siklista mula sa buong Metro Manila ang lumahok sa bike ride.

Isa na rito ang 10km bike ride mula San Juan hanggang Pasig.

Dagdag pa ng konsehal na ang kaganapan mula San Juan hanggang Pasig City ay inorganisa ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development kasama ang Philippine Movement for Climate Justice, Institute for Climate and Sustainable Cities, Greenpeace Philippines, 350 Philippines, The Climate Reality Project Philippines , Firefly Brigade, Siklista Pilipino, Manila Water, Pasig Transport, Traffic and Parking Management Office of Pasig (T.P.M.O – Pasig City), and the Office of Coun. James Yap ng San Juan City.

 

Follow SMNI News on Twitter