Mga biktima ng paputok, umakyat na sa mahigit 500; Karamihan ng biktima, mga kabataan—DOH

Mga biktima ng paputok, umakyat na sa mahigit 500; Karamihan ng biktima, mga kabataan—DOH

KASUNOD ng selebrasyon ng Bagong Taon ay mayroon na namang napuruhan sa mata, naputulan ng parte ng katawan at mayroon ding nasunog na mga balat dahil sa paputok.

Sa bisperas ng Bagong Taon, 188 ang naitalang biktima ng paputok.

Mula Disyembre 22 hanggang noong bisperas ay umakyat na sa 534 ang firecracker related injuries kung saan ay eye injuries, pagkaputol sa bahagi ng katawan, at pagkasunog sa balat ang naging epekto nito sa mga biktima na karamihan ay mga kabataan at menor de edad.

Sa breakdown ng DOH, 356 ng nasabugan ng paputok ay nagtamo ng pagkasunog sa balat habang 28 naman ay na-amputate o naputulan ng parte ng katawan.

Pero ayon sa ahensiya mababa na ito kung ikukumpara noong nakaraang taon kung saan 9.8% itong mas mababa.

Sa ikalawang araw ng Bagong Taon, nag-ikot si Health Secretary Ted Herbosa at iba pang top health officials sa mga pangunahing DOH hospital gaya ng Manila Doctors Hospital, Tondo Medical Center at Philippine General Hospital (PGH).

Sa PGH, mayroong naitalang 17 kaso ng fireworks related injuries mula Disyembre 21 hanggang Enero 2 na medyo mataas sa 13 na naitala nila noong nakaraang taon.

Pero sabi ni Herbosa, napakaliit na ng bilang na ito kung ikukumpara sa mga nagdaang panahon.

Payo naman ng DOH sa mga naputukan, agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital o kumonsulta sa doktor kahit pa sabihing maliit lang ang sugat na natamo mula sa paputok, para maiwasan ang tetano.

Para naman maiwasang mabiktima ng paputok, basain ng tubig ang mga paputok na hindi pumutok sa kalsada. Huwag pulutin ang mga paputok na hindi sumabog. Linisin ang paligid at siguruhing walang mga anumang natirang paputok o pulbura mula sa paputok, Manatiling alerto! Bantayan ang mga anak at iwasan ang paggamit ng natirang paputok.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble