Bilang ng Bar takers na nakakumpleto sa unang araw ng exam nasa mahigit 9K –SC

Bilang ng Bar takers na nakakumpleto sa unang araw ng exam nasa mahigit 9K –SC

NAKAPAGTALA ang Supreme Court (SC) ng nasa 92. 01 percent turnout ng mga Bar examinee na nakakumpleto ng pagsusulit sa unang araw ng Bar Exam, kahapon, Nobyembre 9.

Ito ay katumbas ng mahigit 9 na libo na mga Bar takers.

Isinaad naman ng SC na patungkol sa Political Law at International Law ang naging subject ng eksaminasyon noong umaga habang ang subject sa afternoon exam ay patungkol sa Labor Law.

Aasahan na ang susunod na Bar Exam ay gagawin sa Nobyembre 13 kung saan ang pagsusulit ay sesentro sa Criminal at Commercial Law.

Gagawin naman ang ikatlong araw ng Bar Exam sa Nobyembre 16 habang ang huling araw ng eksaminasyon ay sa Nobyembre 20.

 

Follow SMNI News on Twitter