UMABOT na sa 20,000 ang bilang ng bisita sa loob ng Manila Memorial Park Holy Cross.
Inaasahan na aabot pa sa 200,000 ang bisita na dadalaw sa naturang sementeryo ayon kay P/Lt. Col. Jerry Castillo, station commander ng QCPD Novaliches Station.
Sa ngayon ay wala pang naitatalang mga untoward incident sa lugar.
Pinapayagan din ng management ang overnight stay ngunit hanggang ngayong gabi na lamang.