Bilang ng Chinese vessels sa ilang bahagi ng WPS, dumarami—AFP

Bilang ng Chinese vessels sa ilang bahagi ng WPS, dumarami—AFP

DUMARAMI ang bilang ng mga sasakyang pandagat ng China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command, nasa 48 na Chinese fishing vessels (CFV) ang namataan sa Iroquois Reef.

Habang tatlong China Coast Guard ships at dalawang People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels ang namataan sa Sabina Shoal.

Inihayag ni NV312 Co-Pilot Lt. Karla Andres na nagsagawa ng maritime patrol sa rehiyon, walang naobserbahan na fishing activities sa mga CFV sa halip tila mga nakatambay lamang ang mga ito sa lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter