Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 119,000 na

Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 119,000 na

UMABOT na sa 119,460 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala muli ang Deparment of Health ng 3,561 na karagdagang kaso kahapon Huwebes, Agosto 6.

Ayon sa DOH, sa nasabing bilang ng confirmed cases, 50,473 dito ay active cases.

Nasa 569 naman ang nadagdag sa recoveries ngayong araw kung kaya’t pumalo na sa 66,837 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.

Cosmoswithlove

Habang nasa 28 ang nadagdag sa mga nasawi dahilan para umabot na sa 2,150 ang death toll sa bansa.

Centralized command and control center para sa COVID-19 cases

Samantala, iminungkahi ni Senator Richard Gordon ang paglalagay ng command at control center para sa tamang pagresponde sa mga COVID-19 patient at para hindi mapuno ang mga ospital.

Ayon kay Gordon na siyang chairman at CEO ng Philippine Red Cross, dapat maging centralized at may hotline ang command center para makatawag muna bago direktang  pumunta sa ospital ang mga nakakaramdam ng sintomas ng sakit.

Paliwanag pa ni Gordon, ang command center ang makikipag-ugnayan sa mga public o private hospitals kung saan maaring dalhin ang pasyente.

Dagdag pa ng senador na dapat makuha ang sapat na impormasyon ang command center para malaman din nito kung ang isang partikular na tao na tumawag ay kailangang dalhin sa ospital, sa quarantine facility o maaaring mag-home quarantine na lamang.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.