Bilang ng dayuhang turista na bumisita sa bansa, pumalo na sa mahigit 2-M

Bilang ng dayuhang turista na bumisita sa bansa, pumalo na sa mahigit 2-M

UMABOT na sa mahigit 2 milyong dayuhang turista ang bumisita sa Pilipinas ngayong taon.

Batay sa report ng Department of Tourism (DOT) nitong Lunes, Nobyembre 14, 2022, umabot na sa 2,025,421 ang kabuuang tourist arrivals sa bansa.

Sa nasabing bilang, higit 1.48 milyon o 73.43% ay foreign tourist habang 538,078 o 26.5% ay overseas Filipinos.

Habang umakyat din sa P100.7 bilyon ang kinita ng naturang sektor, 1938.14% na mas mataas mula sa P4.94 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa DOT, pinakamarami sa tourist arrival ay mula sa United States of America na may 385,121 sumunod ang South Korea na may 285,583 at Australia na may 96,297.

Pebrero 10, 2022 nang simulan ng pamahalaan na luwagan ang border restrictions sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter