Bilang ng donasyon ng China na Sinovac vaccines, tinaasan sa 600,000 dosis

MULA sa pangakong 500,000 dosis ng Sinovac na ido-donate ng China, dinagdagan pa ito ng Beijing ng 100,000.

Sabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang dagdag na isang daang libong dosis ay ibinigay na alokasyon ng China para sa mga kasundaluhan ng Pilipinas.

Darating naman ang kabuuang 600,000 dosis ng Sinovac sa bansa sa Pebrero 23.

Samantala, hindi magdadalawang-isip ang gobyerno na ibalik sa China ang donasyon nitong mga bakuna kapag hindi maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang Emergency Use Authorization (EUA).

Giit ni Roque, kahit pa donasyon ito, kailangan pa ring makapasa sa masusing pag-aaral at ebalwasyon ng FDA at maging ng vaccine expert panel.

Sa kasalukuyan, tanging ang Pfizer at AstraZeneca pa lamang ang ginawaran ng FDA ng EUA.

SMNI NEWS