POSIBLENG magkaroon ng pagtaas ng bilang ng inbound travelers ngayong Disyembre ang Pilipinas.
Ito’y dahil batay sa Digital Travel Platform na Agoda, ilang biyahero mula sa South Korea, Estados Unidos, Japan, Australia, at Singapore ang nangunguna sa may planong magsitungo sa bansa ngayong holiday season.
Partikular na nagkaroon ng surge sa mga biyahero mula South Korea at Estados Unidos.
Pinagbabasehan ng Agoda sa kanilang datos ang accommodation searches noong Agosto para magcheck-in sa Pilipinas mula Disyembre 1 hanggang 31, 2024.