Bilang ng kada araw na kaso ng COVID-19 sa Japan, umabot na sa 180,000

Bilang ng kada araw na kaso ng COVID-19 sa Japan, umabot na sa 180,000

UMABOT na sa 180,000 ang bilang ng kada araw na kaso ng COVID-19 sa Japan.

Ang kada araw na kaso ng COVID-19 sa Japan ay lumagpas na sa 180,000 noong Huwebes, kasabay ng pagtatala ng all-time-high record sa 35 mula sa 47 prefecture ng bansa sa gitna ng ika-7 wave ng impeksyon.

Nakapagtala ang Tokyo ng 31,878 na kaso ng coronavirus, na umabot sa 30,000 sa unang pagkakataon, ayon sa Metropolitan government.

Sa Osaka prefecture naman ay nag-ulat ng 22,047 na kaso ng impeksyon, habang sa southwestern prefecture ng Fukuoka naman ay nakapagtala ng 10,752 na kaso, na lumampas ng 10,000 sa unang pagkakataon.

Ayon kay Health Minister Shigeyuki Goto, ang pagtaas ng mga kaso ay maaaring magpataas sa bilang ng mga pasyenteng may malubhang sintomas at makaapekto sa health care system dahil maaari itong magdulot ng group infections sa mga pasilidad, tulad ng ospital at nursing home.

Samantala, sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng impeksyon, inulit ng gobyerno na wala itong planong magpataw ng mga paghihigpit sa bansa.

SMNI NEWS in Twitter