Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, umabot na sa 14

UMABOT na sa 14 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Makati City.

Sa pulong ni Makati City Mayor Abby Binay kaugnay ng umiiral na community quarantine sa lungsod, kinumpirma rin nito na dalawa na ang nasawi sa lungsod.

Habang nasa 34 aniya ang person under monitoring (PUM) at 52 naman ang person under investigation.

Ayon kay Binay, titiyakin nila na naka-home quarantine ang mga PUI at PUM.

Sinabi rin ng alkalde na handa ang Makati na bumili ng 5,000 test kit mula sa University of the Philippines (up).

Samantala, sinabi ni Mayor Binay na kasalukuyan na nilang pinag-iisipan ang mga paraan para mabawasan ang epekto ng pagsasara ng mga mall gaya ng tax relief o iba pang compensation sa businesses at mga empleyado.

Kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila, umabot na sa 3

Umakyat na sa tatlo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Maynila.

Ito ay matapos na magpositibo ang dalawang iba na residente ng lungsod.

Kabilang sa naidagdag sa bilang ang isang 23- gulang na babae na nagtatrabaho sa salon sa Greenhills.

Habang ang isa pa ay 64-taong gulang na babae mula sa Sta. Cruz at walang travel history abroad.

Sa ngayon, kapwa naka-confined na sa isang ospital ang dalawa.

Magugunita naman na una ng isinailim na sa state of calamity ang lungsod dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.